PAGTATAGUYOD SA KARAPATAN NG MGA BATA AT KABABAIHAN
(Convention on the rights of the child)
Ito ang mga karapatan ng bata sa sumusunod:
1. Bawat bata ay may karapatang mabuhay.
2. Bawat bata ay may karapatang mabigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig
3. bawat bata ay may karapatan magpahayag ng sarili
4. Ang parusang kamatayan at ang panghabangbuhay na pagkakakulong na tinatawag na mga capital punishment ay hindi dapat ipataw sa bata para sa krimen na kanyang ginawa bago siya tumuntong ng 18 taong gulang.
5. Hindi dapat mapasailalim ang mga batasa pagpapahirap at sa hindi makataong mga parusa.
6. Tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga bata sa panahon ng giyera.
CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN
1. Ang pagbibigay diin o pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay pantay ng kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa konstitusyon
2. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa asya pagkakasatuparan niya ng karapatang bumoto at mailuklok sa isang posisyong politikal.
3. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makatamasa ng edukasyon.
4. Ang pag-alis ng diskriminasyon ng kababaihan upang makapaghanapbuhay.
5. Ang pag-alis ng diskriminasyon ng kababaihan sa larangan ng kalusugan.